Genesis 14

Ngunit sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Isinusumpa ko sa harapan ng Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa,

Genesis 14:22 (UKJV) And Abram said to the king of Sodom, I have lift up mine hand unto the LORD, the most high God, the possessor of heaven and earth,

20Purihin ang Kataas-taasang Diyos na nagbigay ng tagumpay sa iyo laban sa mga kaaway mo!” Pagkatapos, binigyan ni Abram si Melquisedec ng ikasampung bahagi ng lahat ng nasamsam niya sa labanan.

21Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Kahit sa iyo na lang ang lahat ng mga samsam na nabawi mo, isauli mo lang sa akin ang lahat ng aking mga tauhan.”

22Ngunit sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Isinusumpa ko sa harapan ng Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa,

23na hindi ako kukuha ng kahit anumang ari-ariang galing sa iyo, kahit sinulid o kayaʼy tali ng sandalyas, upang hindi mo sabihing, ‘Ako ang nagpayaman kay Abram.’

24Hindi ako tatanggap ng kahit anuman para sa sarili ko. Ang ituturing ko lang na natanggap ko ay ang mga kinain ng aking mga tauhan, at pabayaan mo lang sina Aner, Escol at Mamre na sumáma sa akin na makuha ang bahagi nila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.