17Nang lumubog na ang araw at dumilim na, biglang may nakita si Abram na palayok na umuusok at nakasinding sulo, na dumaraan sa gitna ng mga hinating hayop.
18Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Ehipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates.
19Ito ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo,
20Heteo, Perezeo, Refaita,
21Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at mga Jebuseo.”