Genesis 16

Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar.

Genesis 16:1 (UKJV) Now Sarai Abram's wife bare him no children: and she had an handmaid, an Egyptian, whose name was Hagar.

1Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar.

2Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa.

3Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.