Genesis 16

Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa.

Genesis 16:2 (UKJV) And Sarai said unto Abram, Behold now, the LORD has restrained me from bearing: I pray you, go in unto my maid; it may be that I may obtain children by her. And Abram hearkened to the voice of Sarai.

1Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar.

2Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa.

3Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)

4Sumiping nga siya kay Hagar at itoʼy nagbuntis. Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai, ang kanyang amo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.