1Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. Ngunit may alipin siyang babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Hagar.
2Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Sapagkat hindi pinahintulutan ng Panginoon na akoʼy magkaanak, sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa.
3Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)
4Sumiping nga siya kay Hagar at itoʼy nagbuntis. Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai, ang kanyang amo.
5Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ikaw ang dapat sisihin sa pang-aalipusta ni Hagar sa akin. Ibinigay ko siya sa iyo ngunit ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”