Genesis 16

Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ikaw ang dapat sisihin sa pang-aalipusta ni Hagar sa akin. Ibinigay ko siya sa iyo ngunit ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”

Genesis 16:5 (UKJV) And Sarai said unto Abram, My wrong be upon you: I have given my maid into your bosom; and when she saw that she had conceived, I was despised in her eyes: the LORD judge between me and you.

3Kaya ibinigay ni Sarai ang kanyang Ehipsiyong alipin na si Hagar kay Abram upang maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.)

4Sumiping nga siya kay Hagar at itoʼy nagbuntis. Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai, ang kanyang amo.

5Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ikaw ang dapat sisihin sa pang-aalipusta ni Hagar sa akin. Ibinigay ko siya sa iyo ngunit ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”

6Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya tumakas na lamang ito.

7Nakita si Hagar ng anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.