Genesis 16

Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya tumakas na lamang ito.

Genesis 16:6 (UKJV) But Abram said unto Sarai, Behold, your maid is in yours hand; do to her as it pleases you. And when Sarai dealt hardly with her, she fled from her face.

4Sumiping nga siya kay Hagar at itoʼy nagbuntis. Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai, ang kanyang amo.

5Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ikaw ang dapat sisihin sa pang-aalipusta ni Hagar sa akin. Ibinigay ko siya sa iyo ngunit ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”

6Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya tumakas na lamang ito.

7Nakita si Hagar ng anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur.

8Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” Sumagot siya, “Tumakas po ako sa amo kong si Sarai.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.