18Sinabi niya sa Diyos, “Kung ganoon po ang mangyayari, nawaʼy pagpalain nʼyo po ang anak kong si Ismael.”
19Sumagot ang Diyos, “Oo, ngunit ang asawa mong si Sara ay manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. Sa kanya ko ipagpapatuloy ang kasunduan ko sa iyo, at magpapatuloy ang kasunduang ito sa mga lahi niya magpakailanman.
20Tungkol naman kay Ismael, narinig ko ang kahilingan mo para sa kanya. Pagpapalain ko siya at bibigyan ng maraming lahi. Magiging ama siya ng labindalawang pinuno, at ang mga lahi niya ay magiging mga tanyag na tao.
21Subalit ang kasunduan ko sa iyo ay tutuparin ko lang kay Isaac. Ipapanganak ni Sara si Isaac sa ganito ring panahon sa susunod na taon.”
22Umalis ang Diyos pagkatapos niyang sabihin kay Abraham ang mga ito.