23Nakasikat na ang araw nang dumating sina Lot sa Zoar.
24Biglang pinaulanan ng Panginoon ng naglalagablab na asupre ang Sodoma at Gomora.
25Nilipol ng Panginoon ang dalawang lungsod at ang buong kapatagan. Namatay ang lahat ng nakatira roon pati ang lahat ng tanim.
26Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.
27Kinaumagahan, dali-daling pumunta si Abraham sa lugar kung saan siya nakipag-usap sa Panginoon.