Genesis 19

Minasdan niya ang Sodoma at Gomora, at ang buong kapatagan. Nakita niya ang usok na pumapaitaas mula sa lupa na parang usok na nagmula sa isang malaking hurno.

Genesis 19:28 (UKJV) And he looked toward Sodom and Gomorrah, and toward all the land of the plain, and beheld, and, lo, the smoke of the country went up as the smoke of a furnace.

26Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.

27Kinaumagahan, dali-daling pumunta si Abraham sa lugar kung saan siya nakipag-usap sa Panginoon.

28Minasdan niya ang Sodoma at Gomora, at ang buong kapatagan. Nakita niya ang usok na pumapaitaas mula sa lupa na parang usok na nagmula sa isang malaking hurno.

29Inalala ng Diyos si Abraham, nang lipulin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan kung saan nakatira si Lot, iniligtas niya muna si Lot upang hindi ito mapahamak.

30Dahil natakot si Lot na tumira sa Zoar, lumipat siya at ang dalawa niyang anak na dalaga sa bundok, at tumira sila sa kuweba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.