2Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw.
3Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.
4Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Diyos ang lupa at ang langit,
5wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang Panginoong Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa.
6Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito.