Genesis 2

wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang Panginoong Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa.

Genesis 2:5 (UKJV) And every plant of the field before it was in the earth, and every herb of the field before it grew: for the LORD God had not caused it to rain upon the earth, and there was not a man to till the ground.

3Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.

4Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng Panginoong Diyos ang lupa at ang langit,

5wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang Panginoong Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa.

6Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito.

7Nilikha ng Panginoong Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.