Genesis 20

Nang sinabihan po ako ng Diyos na umalis sa tahanan ng aking ama, sinabi ko kay Sara na ipakilala niya na magkapatid kami kahit saan kami pumunta. Sa ganito pong paraan, maipapakita niya ang pagmamahal niya sa akin.”

Genesis 20:13 (UKJV) And it came to pass, when God caused me to wander from my father's house, that I said unto her, This is your kindness which you shall show unto me; at every place where we shall come, say of me, He is my brother.

11Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Diyos, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko.

12Totoo po na magkapatid kami, ngunit sa ama lang at hindi sa ina; at napangasawa ko po siya.

13Nang sinabihan po ako ng Diyos na umalis sa tahanan ng aking ama, sinabi ko kay Sara na ipakilala niya na magkapatid kami kahit saan kami pumunta. Sa ganito pong paraan, maipapakita niya ang pagmamahal niya sa akin.”

14Ibinalik ni Abimelec si Sara kay Abraham, at binigyan pa niya si Abraham ng mga tupa, baka, at mga aliping babae at lalaki.

15Pagkatapos, sinabi niya kay Abraham, “Payag akong patirahin kayo sa aking lupain. Tumira kayo kahit saan ninyo gusto.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.