9Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo.
10Bakit mo ito ginawa?”
11Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Diyos, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko.
12Totoo po na magkapatid kami, ngunit sa ama lang at hindi sa ina; at napangasawa ko po siya.
13Nang sinabihan po ako ng Diyos na umalis sa tahanan ng aking ama, sinabi ko kay Sara na ipakilala niya na magkapatid kami kahit saan kami pumunta. Sa ganito pong paraan, maipapakita niya ang pagmamahal niya sa akin.”