Genesis 20

Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo.

Genesis 20:9 (UKJV) Then Abimelech called Abraham, and said unto him, What have you done unto us? and what have I offended you, that you have brought on me and on my kingdom a great sin? you have done deeds unto me that ought not to be done.

7Ngunit dapat mo siyang ibalik sa asawa niya dahil ang asawa niya ay isang propeta, at ipapanalangin ka niya upang hindi ka mamatay. Ngunit kapag hindi mo siya naibalik, binabalaan kita na mamamatay ka pati ang lahat ng tauhan mo.”

8Kinabukasan, maagang ipinatawag ni Abimelec ang lahat ng opisyal niya at sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang panaginip. At labis silang natakot.

9Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo.

10Bakit mo ito ginawa?”

11Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Diyos, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.