Genesis 20

Bakit mo ito ginawa?”

Genesis 20:10 (UKJV) And Abimelech said unto Abraham, What saw you, that you have done this thing?

8Kinabukasan, maagang ipinatawag ni Abimelec ang lahat ng opisyal niya at sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang panaginip. At labis silang natakot.

9Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo.

10Bakit mo ito ginawa?”

11Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Diyos, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko.

12Totoo po na magkapatid kami, ngunit sa ama lang at hindi sa ina; at napangasawa ko po siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.