25Ngunit dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya.
26Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.”
27Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan.
28Kumuha rin si Abraham ng pitong babaeng tupa mula sa kawan at ibinukod ito.
29Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupang ibinukod mo?”