23Kaya, mangako ka rito sa pangalan ng Diyos na hindi mo ako pagtataksilan pati na ang aking mga lahi. Ipakita mo ang kabutihan mo sa akin at sa lugar na ito na tinitirhan mo ngayon, tulad din ng ipinakita kong kabutihan sa iyo.”
24Sumagot si Abraham, “Isinusumpa ko.”
25Ngunit dumaing si Abraham kay Abimelec tungkol sa balon na inagaw ng mga alipin niya.
26Sinabi ni Abimelec, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan. Hindi mo naman ako sinabihan, at ngayon ko lang nalaman iyon.”
27Kaya kumuha si Abraham ng mga tupa at baka, at ibinigay niya kay Abimelec. Pagkatapos, gumawa silang dalawa ng kasunduan.