Genesis 23

Sinabi niya, “Hindi po, panginoon ko. Pakinggan nʼyo ako, sa harap ng mga kababayan ko ay ibinibigay ko sa iyo ang buong bukirin pati na ang kuweba. Kaya maaari mo nang ilibing ang asawa mo.”

Genesis 23:11 (UKJV) Nay, my lord, hear me: the field give I you, and the cave that is therein, I give it you; in the presence of the sons of my people give I it you: bury your dead.

9upang ibenta niya sa akin ang kuweba niya na nasa tabi ng bukid niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo upang maging akin ito at gawing libingan.”

10Naroon din si Efron na nakaupo kasama ng mga kababayan niyang Heteo. Kaya sumagot siya kay Abraham na naririnig ng lahat ng Heteo na nagtitipon doon sa pintuan ng lungsod.

11Sinabi niya, “Hindi po, panginoon ko. Pakinggan nʼyo ako, sa harap ng mga kababayan ko ay ibinibigay ko sa iyo ang buong bukirin pati na ang kuweba. Kaya maaari mo nang ilibing ang asawa mo.”

12Muling yumukod si Abraham sa harapan ng mga Heteo.

13Kaya sinabi niya kay Efron sa pandinig ng lahat, “Makinig kayo sa akin. Babayaran ko ang halaga ng bukirin. Tanggapin mo ang bayad ko upang mailibing ko na doon ang asawa ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.