Genesis 23

upang ibenta niya sa akin ang kuweba niya na nasa tabi ng bukid niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo upang maging akin ito at gawing libingan.”

Genesis 23:9 (UKJV) That he may give me the cave of Machpelah, which he has, which is in the end of his field; for as much money as it is worth he shall give it me for a possession of a buryingplace among you.

7Yumukod agad si Abraham sa harapan ng mga Heteo.

8Pagkatapos, sinabi niya, “Kung payag kayo na dito ko ilibing ang asawa ko, tulungan nʼyo ako na kausapin si Efron na anak ni Zohar

9upang ibenta niya sa akin ang kuweba niya na nasa tabi ng bukid niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo upang maging akin ito at gawing libingan.”

10Naroon din si Efron na nakaupo kasama ng mga kababayan niyang Heteo. Kaya sumagot siya kay Abraham na naririnig ng lahat ng Heteo na nagtitipon doon sa pintuan ng lungsod.

11Sinabi niya, “Hindi po, panginoon ko. Pakinggan nʼyo ako, sa harap ng mga kababayan ko ay ibinibigay ko sa iyo ang buong bukirin pati na ang kuweba. Kaya maaari mo nang ilibing ang asawa mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.