5Sumagot ang mga Heteo kay Abraham,
6“Panginoon ko, makinig po muna kayo sa sasabihin namin. Kilala namin kayo bilang isang dakilang pinuno, kaya ilibing ninyo ang inyong asawa sa pinakamagandang libingan namin. Walang sinuman sa amin ang magkakait sa inyo ng kanyang libingan upang mailibing ninyo ang inyong asawa.”
7Yumukod agad si Abraham sa harapan ng mga Heteo.
8Pagkatapos, sinabi niya, “Kung payag kayo na dito ko ilibing ang asawa ko, tulungan nʼyo ako na kausapin si Efron na anak ni Zohar
9upang ibenta niya sa akin ang kuweba niya na nasa tabi ng bukid niya sa Macpela. Sabihin ninyo sa kanya na babayaran ko siya sa tamang halaga rito mismo sa harapan ninyo upang maging akin ito at gawing libingan.”