14Sumagot si Efron kay Abraham,
15“Panginoon ko, ang lupa ay nagkakahalaga ng apatnaraang pirasong pilak. Ngunit ano naman iyon sa ating dalawa? Sige, ilibing mo na ang iyong asawa.”
16Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng apatnaraang pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasehan noon ng mga mangangalakal at ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.
17Kaya inilipat ang bukid na iyon ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kuweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid
18kay Abraham bilang kanyang pag-aari. Saksi ang lahat ng mga Heteo na nagtipon doon sa pintuan ng lungsod.