Genesis 23

“Panginoon ko, ang lupa ay nagkakahalaga ng apatnaraang pirasong pilak. Ngunit ano naman iyon sa ating dalawa? Sige, ilibing mo na ang iyong asawa.”

Genesis 23:15 (UKJV) My lord, hearken unto me: the land is worth four hundred shekels of silver; what is that between me and you? bury therefore your dead.

13Kaya sinabi niya kay Efron sa pandinig ng lahat, “Makinig kayo sa akin. Babayaran ko ang halaga ng bukirin. Tanggapin mo ang bayad ko upang mailibing ko na doon ang asawa ko.”

14Sumagot si Efron kay Abraham,

15“Panginoon ko, ang lupa ay nagkakahalaga ng apatnaraang pirasong pilak. Ngunit ano naman iyon sa ating dalawa? Sige, ilibing mo na ang iyong asawa.”

16Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng apatnaraang pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasehan noon ng mga mangangalakal at ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.

17Kaya inilipat ang bukid na iyon ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kuweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.