Genesis 23

Kaya inilipat ang bukid na iyon ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kuweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid

Genesis 23:17 (UKJV) And the field of Ephron which was in Machpelah, which was before Mamre, the field, and the cave which was therein, and all the trees that were in the field, that were in all the borders round about, were made sure

15“Panginoon ko, ang lupa ay nagkakahalaga ng apatnaraang pirasong pilak. Ngunit ano naman iyon sa ating dalawa? Sige, ilibing mo na ang iyong asawa.”

16Pumayag si Abraham sa halagang sinabi ni Efron. Kaya nagkilo siya ng apatnaraang pirasong pilak ayon sa bigat na pinagbabasehan noon ng mga mangangalakal at ibinayad niya ito kay Efron sa harap ng mga Heteo.

17Kaya inilipat ang bukid na iyon ni Efron sa Macpela, sa silangan ng Mamre, pati na ang kuweba at ang mga punongkahoy sa paligid ng bukid

18kay Abraham bilang kanyang pag-aari. Saksi ang lahat ng mga Heteo na nagtipon doon sa pintuan ng lungsod.

19Inilibing agad ni Abraham si Sara sa kuwebang nasa bukid ng Macpela, na sakop ng lupain ng Canaan. Ang Macpela ay malapit sa Mamre na siyang Hebron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.