Genesis 24

Kung hihingi po ako ng tubig na nasa banga ng isang dalaga, at pumayag siyang painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili ninyong maging asawa ng lingkod ninyong si Isaac. Sa ganito ko po malalaman ang pagpapakita nʼyo ng inyong kabutihan sa aking amo.”

Genesis 24:14 (UKJV) And let it come to pass, that the damsel to whom I shall say, Let down your pitcher, I pray you, that I may drink; and she shall say, Drink, and I will give your camels drink also: let the same be she that you have appointed for your servant Isaac; and thereby shall I know that you have showed kindness unto my master.

12Nanalangin ang alipin, “Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.

13Nakatayo po ako sa tabi ng balon habang umiigib ang mga babae sa bayan na ito.

14Kung hihingi po ako ng tubig na nasa banga ng isang dalaga, at pumayag siyang painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili ninyong maging asawa ng lingkod ninyong si Isaac. Sa ganito ko po malalaman ang pagpapakita nʼyo ng inyong kabutihan sa aking amo.”

15Hindi pa siya natatapos sa pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa balikat niya. Si Rebeca ay anak ni Betuel na anak nina Nahor at Milca. Si Nahor ay kapatid ni Abraham.

16Magandang dalaga si Rebeca at birhen pa. Bumaba siya papunta sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang banga. Pagkatapos, umakyat siya upang umuwi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.