Genesis 24

Nagmamadali ang alipin sa pagsalubong sa kanya at sinabi, “Puwede mo ba akong painumin sa banga mo kahit kaunti lang.”

Genesis 24:17 (UKJV) And the servant ran to meet her, and said, Let me, I pray you, drink a little water of your pitcher.

15Hindi pa siya natatapos sa pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa balikat niya. Si Rebeca ay anak ni Betuel na anak nina Nahor at Milca. Si Nahor ay kapatid ni Abraham.

16Magandang dalaga si Rebeca at birhen pa. Bumaba siya papunta sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang banga. Pagkatapos, umakyat siya upang umuwi.

17Nagmamadali ang alipin sa pagsalubong sa kanya at sinabi, “Puwede mo ba akong painumin sa banga mo kahit kaunti lang.”

18Sumagot si Rebeca, “Sige, Ginoo, uminom po kayo.” Mula sa balikat niya, ibinaba niya agad ang banga at hinawakan ito habang umiinom ang alipin.

19Pagkatapos niyang painumin ang alipin, sinabi niya, “Iigib naman ako para sa mga kamelyo mo hanggang sa makainom silang lahat.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.