Genesis 24

Sumagot si Rebeca, “Sige, Ginoo, uminom po kayo.” Mula sa balikat niya, ibinaba niya agad ang banga at hinawakan ito habang umiinom ang alipin.

Genesis 24:18 (UKJV) And she said, Drink, my lord: and she hasted, and let down her pitcher upon her hand, and gave him drink.

16Magandang dalaga si Rebeca at birhen pa. Bumaba siya papunta sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang banga. Pagkatapos, umakyat siya upang umuwi.

17Nagmamadali ang alipin sa pagsalubong sa kanya at sinabi, “Puwede mo ba akong painumin sa banga mo kahit kaunti lang.”

18Sumagot si Rebeca, “Sige, Ginoo, uminom po kayo.” Mula sa balikat niya, ibinaba niya agad ang banga at hinawakan ito habang umiinom ang alipin.

19Pagkatapos niyang painumin ang alipin, sinabi niya, “Iigib naman ako para sa mga kamelyo mo hanggang sa makainom silang lahat.”

20Dali-dali niyang ibinuhos ang tubig sa inuman ng mga hayop at bumalik siya sa balon upang muling umigib. At patuloy siya sa pag-igib hanggang sa makainom ang lahat ng kamelyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.