Genesis 24

Dali-dali niyang ibinuhos ang tubig sa inuman ng mga hayop at bumalik siya sa balon upang muling umigib. At patuloy siya sa pag-igib hanggang sa makainom ang lahat ng kamelyo.

Genesis 24:20 (UKJV) And she hasted, and emptied her pitcher into the gutter, and ran again unto the well to draw water, and drew for all his camels.

18Sumagot si Rebeca, “Sige, Ginoo, uminom po kayo.” Mula sa balikat niya, ibinaba niya agad ang banga at hinawakan ito habang umiinom ang alipin.

19Pagkatapos niyang painumin ang alipin, sinabi niya, “Iigib naman ako para sa mga kamelyo mo hanggang sa makainom silang lahat.”

20Dali-dali niyang ibinuhos ang tubig sa inuman ng mga hayop at bumalik siya sa balon upang muling umigib. At patuloy siya sa pag-igib hanggang sa makainom ang lahat ng kamelyo.

21Habang nakamasid ang alipin kay Rebeca, iniisip niya kung iyon na ang sagot ng Panginoon sa panalangin niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon.

22Pagkatapos uminom ng mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang gintong singsing na ang bigat ay anim na gramo. Inilabas din niya ang dalawang pulseras na ginto na ang bigat ay mga 115 gramo at ibinigay kay Rebeca.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.