20Dali-dali niyang ibinuhos ang tubig sa inuman ng mga hayop at bumalik siya sa balon upang muling umigib. At patuloy siya sa pag-igib hanggang sa makainom ang lahat ng kamelyo.
21Habang nakamasid ang alipin kay Rebeca, iniisip niya kung iyon na ang sagot ng Panginoon sa panalangin niya sa pagpunta niya sa lugar na iyon.
22Pagkatapos uminom ng mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang gintong singsing na ang bigat ay anim na gramo. Inilabas din niya ang dalawang pulseras na ginto na ang bigat ay mga 115 gramo at ibinigay kay Rebeca.
23Pagkatapos, nagtanong siya kay Rebeca, “Kanino kang anak? May lugar pa ba sa inyo na maaari naming matulugan ngayong gabi?”
24Sumagot si Rebeca, “Anak po ako ni Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.