23Pagkatapos, nagtanong siya kay Rebeca, “Kanino kang anak? May lugar pa ba sa inyo na maaari naming matulugan ngayong gabi?”
24Sumagot si Rebeca, “Anak po ako ni Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.
25May matutulugan kayo roon sa amin, at marami ring dayami at pagkain para sa mga kamelyo ninyo.”
26Yumukod agad ang alipin at sumamba sa Panginoon.
27Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng aking amo na si Abraham. Ipinakita niya ang kanyang kabutihan sa aking amo. Ako mismo ay ginabayan niya sa pagpunta ko sa mga kamag-anak ng aking amo.”