3at sumumpa ka sa akin sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito.
4Pumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”
5Ngunit nagtanong ang alipin, “Paano po kung ayaw sumáma ng babae sa lugar na ito? Dadalhin ko na lang po ba si Isaac doon?”
6Sumagot si Abraham, “Huwag mong dalhin si Isaac doon!
7Dinala ako rito ng Panginoon, ang Diyos ng langit, mula sa sambahayan ng aking ama, sa lugar kung saan ako isinilang. At sumumpa siya na ibibigay niya ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi ko. Kaya lumakad ka dahil magpapadala ang Panginoon ng anghel niya na sasáma sa iyo upang makakita ka roon ng mapapangasawa ng anak ko.