Genesis 24

Pumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”

Genesis 24:4 (UKJV) But you shall go unto my country, and to my kindred, and take a wife unto my son Isaac.

2Isang araw, kinausap niya ang tagapamahalang alipin niya na nag-aasikaso ng lahat ng ari-arian niya, “Ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng aking dalawang hita,

3at sumumpa ka sa akin sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito.

4Pumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”

5Ngunit nagtanong ang alipin, “Paano po kung ayaw sumáma ng babae sa lugar na ito? Dadalhin ko na lang po ba si Isaac doon?”

6Sumagot si Abraham, “Huwag mong dalhin si Isaac doon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.