Genesis 24

at sumumpa ka sa akin sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito.

Genesis 24:3 (UKJV) And I will make you swear by the LORD, the God of heaven, and the God of the earth, that you shall not take a wife unto my son of the daughters of the Canaanites, among whom I dwell:

1Matandang matanda na si Abraham at pinagpala siya ng Panginoon sa lahat ng bagay.

2Isang araw, kinausap niya ang tagapamahalang alipin niya na nag-aasikaso ng lahat ng ari-arian niya, “Ilagay mo ang kamay mo sa pagitan ng aking dalawang hita,

3at sumumpa ka sa akin sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito.

4Pumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”

5Ngunit nagtanong ang alipin, “Paano po kung ayaw sumáma ng babae sa lugar na ito? Dadalhin ko na lang po ba si Isaac doon?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.