Genesis 24

Narito si Rebeca, isama nʼyo siya sa inyong pag-uwi upang maging asawa ng anak ng inyong amo, ayon sa sinabi ng Panginoon.”

Genesis 24:51 (UKJV) Behold, Rebekah is before you, take her, and go, and let her be your master's son's wife, as the LORD has spoken.

49“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”

50Sumagot sina Laban at Betuel, “Dahil ito ay kalooban ng Panginoon, wala na kaming masasabi.

51Narito si Rebeca, isama nʼyo siya sa inyong pag-uwi upang maging asawa ng anak ng inyong amo, ayon sa sinabi ng Panginoon.”

52Pagkarinig noon ng alipin, nagpatirapa siya sa harapan ng Panginoon.

53Inilabas niya agad ang dala niyang mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid at ang ina ni Rebeca.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.