Genesis 24

“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”

Genesis 24:49 (UKJV) And now if all of you will deal kindly and truly with my master, tell me: and if not, tell me; that I may turn to the right hand, or to the left.

47“Pagkatapos, tinanong ko siya kung kanino siyang anak. “Sumagot siya, ‘Kay Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.’ At nilagyan ko ng singsing ang ilong niya at sinuotan ng mga pulseras ang kanyang braso.

48Yumukod ako agad at sumamba sa Panginoon. Nagpuri ako sa Panginoon, ang Diyos ng amo kong si Abraham. Siya ang gumagabay sa akin sa tamang lugar, kung saan nakita ko ang anak ng kamag-anak ng aking amo upang maging asawa ng kanyang anak.

49“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”

50Sumagot sina Laban at Betuel, “Dahil ito ay kalooban ng Panginoon, wala na kaming masasabi.

51Narito si Rebeca, isama nʼyo siya sa inyong pag-uwi upang maging asawa ng anak ng inyong amo, ayon sa sinabi ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.