46“Ibinaba niya agad ang banga mula sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Sige, uminom po kayo, at paiinumin ko rin ang mga kamelyo ninyo.’ Kaya uminom ako at pinainom din niya ang mga kamelyo ko.
47“Pagkatapos, tinanong ko siya kung kanino siyang anak. “Sumagot siya, ‘Kay Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.’ At nilagyan ko ng singsing ang ilong niya at sinuotan ng mga pulseras ang kanyang braso.
48Yumukod ako agad at sumamba sa Panginoon. Nagpuri ako sa Panginoon, ang Diyos ng amo kong si Abraham. Siya ang gumagabay sa akin sa tamang lugar, kung saan nakita ko ang anak ng kamag-anak ng aking amo upang maging asawa ng kanyang anak.
49“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”
50Sumagot sina Laban at Betuel, “Dahil ito ay kalooban ng Panginoon, wala na kaming masasabi.