Genesis 24

“Pagkatapos, tinanong ko siya kung kanino siyang anak. “Sumagot siya, ‘Kay Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.’ At nilagyan ko ng singsing ang ilong niya at sinuotan ng mga pulseras ang kanyang braso.

Genesis 24:47 (UKJV) And I asked her, and said, Whose daughter are you? And she said, the daughter of Bethuel, Nahor's son, whom Milcah bare unto him: and I put the earring upon her face, and the bracelets upon her hands.

45“Hindi pa nga ako natatapos sa aking pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa kanyang balikat. Bumaba siya papunta sa balon at umigib. Sinabi ko sa kanya, ‘Puwede mo ba akong painumin?’

46“Ibinaba niya agad ang banga mula sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Sige, uminom po kayo, at paiinumin ko rin ang mga kamelyo ninyo.’ Kaya uminom ako at pinainom din niya ang mga kamelyo ko.

47“Pagkatapos, tinanong ko siya kung kanino siyang anak. “Sumagot siya, ‘Kay Betuel na anak na lalaki nina Nahor at Milca.’ At nilagyan ko ng singsing ang ilong niya at sinuotan ng mga pulseras ang kanyang braso.

48Yumukod ako agad at sumamba sa Panginoon. Nagpuri ako sa Panginoon, ang Diyos ng amo kong si Abraham. Siya ang gumagabay sa akin sa tamang lugar, kung saan nakita ko ang anak ng kamag-anak ng aking amo upang maging asawa ng kanyang anak.

49“Ngayon, gusto kong malaman kung papayag kayo sa gusto ng amo ko bilang pagpapakita ng kabutihan at katapatan nʼyo sa kanya. Sabihin nʼyo na po agad upang malaman ko rin kung ano ang gagawin ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.