Genesis 24

Inilabas niya agad ang dala niyang mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid at ang ina ni Rebeca.

Genesis 24:53 (UKJV) And the servant brought forth jewels of silver, and jewels of gold, and raiment, and gave them to Rebekah: he gave also to her brother and to her mother precious things.

51Narito si Rebeca, isama nʼyo siya sa inyong pag-uwi upang maging asawa ng anak ng inyong amo, ayon sa sinabi ng Panginoon.”

52Pagkarinig noon ng alipin, nagpatirapa siya sa harapan ng Panginoon.

53Inilabas niya agad ang dala niyang mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid at ang ina ni Rebeca.

54Pagkatapos, kumain ang alipin at ang mga kasama niya. Doon sila natulog nang gabing iyon. Paggising nila kinaumagahan, sinabi ng alipin, “Uuwi na ako sa amo ko.”

55Ngunit sumagot ang kapatid at ang ina ni Rebeca, “Panatilihin nʼyo muna rito si Rebeca sa amin kahit sampung araw, pagkatapos ay makakaalis na kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.