52Pagkarinig noon ng alipin, nagpatirapa siya sa harapan ng Panginoon.
53Inilabas niya agad ang dala niyang mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, at ibinigay kay Rebeca. Binigyan din niya ng mamahaling regalo ang kapatid at ang ina ni Rebeca.
54Pagkatapos, kumain ang alipin at ang mga kasama niya. Doon sila natulog nang gabing iyon. Paggising nila kinaumagahan, sinabi ng alipin, “Uuwi na ako sa amo ko.”
55Ngunit sumagot ang kapatid at ang ina ni Rebeca, “Panatilihin nʼyo muna rito si Rebeca sa amin kahit sampung araw, pagkatapos ay makakaalis na kayo.”
56Ngunit sinabi ng alipin, “Huwag nʼyo naman akong pagtagalin dito. Namagitan na ang Panginoon sa pakay ko sa pagpunta rito, kaya pabalikin nʼyo na ako sa amo ko.”