Genesis 24

Ngunit sinabi ng alipin, “Huwag nʼyo naman akong pagtagalin dito. Namagitan na ang Panginoon sa pakay ko sa pagpunta rito, kaya pabalikin nʼyo na ako sa amo ko.”

Genesis 24:56 (UKJV) And he said unto them, Hinder me not, seeing the LORD has prospered my way; send me away that I may go to my master.

54Pagkatapos, kumain ang alipin at ang mga kasama niya. Doon sila natulog nang gabing iyon. Paggising nila kinaumagahan, sinabi ng alipin, “Uuwi na ako sa amo ko.”

55Ngunit sumagot ang kapatid at ang ina ni Rebeca, “Panatilihin nʼyo muna rito si Rebeca sa amin kahit sampung araw, pagkatapos ay makakaalis na kayo.”

56Ngunit sinabi ng alipin, “Huwag nʼyo naman akong pagtagalin dito. Namagitan na ang Panginoon sa pakay ko sa pagpunta rito, kaya pabalikin nʼyo na ako sa amo ko.”

57Sumagot sila, “Tawagin muna natin si Rebeca at tanungin kung ano ang pasya niya.”

58Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong, “Gusto mo bang sumáma sa kanya ngayon?” Sumagot si Rebeca, “Oo, sasáma ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.