55Ngunit sumagot ang kapatid at ang ina ni Rebeca, “Panatilihin nʼyo muna rito si Rebeca sa amin kahit sampung araw, pagkatapos ay makakaalis na kayo.”
56Ngunit sinabi ng alipin, “Huwag nʼyo naman akong pagtagalin dito. Namagitan na ang Panginoon sa pakay ko sa pagpunta rito, kaya pabalikin nʼyo na ako sa amo ko.”
57Sumagot sila, “Tawagin muna natin si Rebeca at tanungin kung ano ang pasya niya.”
58Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong, “Gusto mo bang sumáma sa kanya ngayon?” Sumagot si Rebeca, “Oo, sasáma ako.”
59Kaya ipinasama nila si Rebeca pati ang tagapag-alaga niya, sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito.