Genesis 25

Ang bukid na iyon ay binili ni Abraham sa harapan ng mga Heteo. Doon inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara.

Genesis 25:10 (UKJV) The field which Abraham purchased of the sons of Heth: there was Abraham buried, and Sarah his wife.

8Matapos mamuhay ng isang mahaba at matiwasay na buhay, nalagot ang kanyang hininga at inilibing siya kasama ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

9Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ismael doon sa kuweba ng Macpela, sa silangan ng Mamre, sa bukid na dating pagmamay-ari ni Efron na anak ni Zohar na Heteo.

10Ang bukid na iyon ay binili ni Abraham sa harapan ng mga Heteo. Doon inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara.

11Pagkatapos mamatay ni Abraham, binasbasan ng Diyos si Isaac at doon siya nanirahan sa Beer-lahai-roi.

12Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Ismael na anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo, na alipin ni Sara.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.