Genesis 25

Matapos mamuhay ng isang mahaba at matiwasay na buhay, nalagot ang kanyang hininga at inilibing siya kasama ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

Genesis 25:8 (UKJV) Then Abraham gave up the spirit, and died in a good old age, an old man, and full of years; and was gathered to his people.

6Ngunit habang buhay pa siya, binigyan niya ng mga regalo ang iba niyang mga anak sa iba niyang mga asawa, at pinapunta sa silangan upang ihiwalay sa anak niyang si Isaac.

7Nabuhay si Abraham ng 175 taon.

8Matapos mamuhay ng isang mahaba at matiwasay na buhay, nalagot ang kanyang hininga at inilibing siya kasama ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

9Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ismael doon sa kuweba ng Macpela, sa silangan ng Mamre, sa bukid na dating pagmamay-ari ni Efron na anak ni Zohar na Heteo.

10Ang bukid na iyon ay binili ni Abraham sa harapan ng mga Heteo. Doon inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.