Genesis 25

Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Ehipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.

Genesis 25:18 (UKJV) And they dwelt from Havilah unto Shur, that is before Egypt, as you go toward Assyria: and he died in the presence of all his brethren.

16Sila ang mga anak na lalaki ni Ismael at naging pinuno ng labindalawa niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaʼt ibang lugar na kanilang tinitirhan.

17Nabuhay si Ismael ng 137 taon. Namatay siya at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

18Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Ehipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.

19Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac.

20Si Isaac ay apatnapung taóng gulang nang napangasawa niya si Rebeca na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan-aram. Si Rebeca ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.