Genesis 25

Si Isaac ay apatnapung taóng gulang nang napangasawa niya si Rebeca na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan-aram. Si Rebeca ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

Genesis 25:20 (UKJV) And Isaac was forty years old when he took Rebekah to wife, the daughter of Bethuel the Syrian of Padanaram, the sister to Laban the Syrian.

18Tumira ang mga angkan niya sa mga lugar na galing sa Havila hanggang sa Shur, sa silangan ng Ehipto na papunta sa Asiria. Kinalaban nila ang lahat ng kamag-anak nila na mga lahi ni Isaac.

19Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac.

20Si Isaac ay apatnapung taóng gulang nang napangasawa niya si Rebeca na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan-aram. Si Rebeca ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

21Ipinanalangin ni Isaac sa Panginoon ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.

22Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeca, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.