Genesis 25

Ipinanalangin ni Isaac sa Panginoon ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.

Genesis 25:21 (UKJV) And Isaac implored the LORD for his wife, because she was barren: and the LORD was implored of him, and Rebekah his wife conceived.

19Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Isaac na anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac.

20Si Isaac ay apatnapung taóng gulang nang napangasawa niya si Rebeca na anak ni Betuel na Arameo na taga-Padan-aram. Si Rebeca ay kapatid ni Laban na Arameo rin.

21Ipinanalangin ni Isaac sa Panginoon ang kanyang asawa dahil baog siya. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeca.

22Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeca, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito.

23Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan; ang dalawang bayan na nasa loob mo ay magkalaban. Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa. Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.