Genesis 26

Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot. Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar upang lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”

Genesis 26:22 (UKJV) And he removed from thence, and dug another well; and for that they strove not: and he called the name of it Rehoboth; and he said, For now the LORD has made room for us, and we shall be fruitful in the land.

20Ngunit nakipagtalo ang mga pastol na taga-Gerar at mga pastol ni Isaac na kanila raw ang balon na iyon. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Esec, dahil nakipagtalo ang mga taga-Gerar sa kanya.

21Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, ngunit pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.

22Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot. Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar upang lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”

23Hindi nagtagal, umalis si Isaac sa lugar na iyon at pumunta sa Beer-seba.

24Nang gabing dumating siya, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Diyos ng iyong ama na si Abraham. Huwag kang matakot dahil kasama mo ako. Pagpapalain kita at bibigyan ng maraming lahi dahil kay Abraham na aking lingkod.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.