21Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, ngunit pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.
22Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot. Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar upang lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”
23Hindi nagtagal, umalis si Isaac sa lugar na iyon at pumunta sa Beer-seba.
24Nang gabing dumating siya, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Diyos ng iyong ama na si Abraham. Huwag kang matakot dahil kasama mo ako. Pagpapalain kita at bibigyan ng maraming lahi dahil kay Abraham na aking lingkod.”
25Kaya gumawa ng altar si Isaac at sumamba sa Panginoon. Nagpatayo siya ng tolda sa lugar na iyon at nagpahukay ng balon sa kanyang mga alipin.