19Doon sa lambak, naghukay ng bagong balon ang mga alipin ni Isaac at nakatagpo sila ng bukal.
20Ngunit nakipagtalo ang mga pastol na taga-Gerar at mga pastol ni Isaac na kanila raw ang balon na iyon. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Esec, dahil nakipagtalo ang mga taga-Gerar sa kanya.
21Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, ngunit pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.
22Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot. Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar upang lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”
23Hindi nagtagal, umalis si Isaac sa lugar na iyon at pumunta sa Beer-seba.