Genesis 26

Dito ka muna manirahan dahil sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lahat ng lupaing ito. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa iyong amang si Abraham.

Genesis 26:3 (UKJV) Sojourn in this land, and I will be with you, and will bless you; for unto you, and unto your seed, I will give all these countries, and I will perform the oath which I swore unto Abraham your father;

1Dumating ang taggutom sa lugar na tinitirhan ni Isaac, bukod pa ito sa taggutom na nangyari noong panahon ni Abraham. Kaya pumunta si Isaac kay Abimelec na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

2Nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Huwag kang pupunta sa Ehipto; manatili ka sa lugar na ituturo ko sa iyo.

3Dito ka muna manirahan dahil sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lahat ng lupaing ito. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa iyong amang si Abraham.

4Pararamihin ko ang mga lahi mo na kasindami ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa kanila ang lahat ng lupaing ito. At sa pamamagitan nila, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.

5Gagawin ko ito dahil sumunod si Abraham sa akin, at tinupad niya ang lahat ng ibinilin ko, kasama ang aking mga kautusan, mga tuntunin, at mga batas.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.